Troy Alcala

Hintay


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Pangarap ko na lang
Ang makapiling ka
Hindi na magagawa
Ang makasama ka

Hihintayin kita
Kahit na mag-isa
Mga gabing di ka kapiling
Mga ngiti mong nambibitin
Hihintayin na lang
Matapos ang lahat
Ang tinig ko'y wala nang himig
Ang diwa ko'y di na gumising

Sa kabilang buhay na lang
Makakapiling ka
Sa mundong wala nang tigil
Makakasama ka
Hihintayin na lang
Tumigil ang lahat

Tibok ng puso'y bumigay na
Pag-agos ng dugo'y wala na
Hihintayin pa ba
O simulan ko na
Sumunod sa bawat pagpintig
Susundan ang iyong tinig