Renz Verano

Ibang-Iba Ka Na


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Di ba't sabi mo ang bawat sawi
Mula sayong mga pighati
Ang laman ng isip mo't damdamin
Alaala ng pagmamahalan natin

Ngunit bakit ba biglang pumait
Pangarap na dati kay rikit
Pati na ang tamis sa iyong labi
Naging luha sa bawat mong ngiti

Iba na ibang iba ka na nga
Wala na bang halaga ang mga pangako mo
Kulang pa ang iyong mga dahilan
Alam kong iba na ang tinitibok ng puso mo

Kung sakali mang ika'y lumayo
Bumalik ang tibok ng iyong puso
Dahil kung gabing sagad ang lamig
Mainit na dadampi sa aking dibdib

Iba na ibang iba ka na nga
Wala na bang halaga ang mga pangako mo
Kulang pa ang iyong mga dahilan
Alam kong iba na ang tinitibok ng puso mo

Anu nga ba kaya ang pagkukulang ko sayo
Hanggang kailan kaya
Magtitiis ang puso ko

Iba na ibang iba ka na nga
Wala na bang halaga ang mga pangako mo
Kulang pa ang iyong mga dahilan
Alam kong iba na ang tinitibok ng puso mo

Ng puso mo