
Ikaw
Di ko na kailangan maglakbay
Upang hanapin ang liwanag ng buhay
Kadiliman ng dati natatanaw
Sa piling mo paligid ko'y lumilinaw
Di ko na kailangan ng gabay
Sinusundan ng liwanag mong taglay
Paghihirap na dating pinapasan
Sa piling mo aking mundo'y sinisilaw
Ikaw ang nagligtas nagbigay ng wakas
Paghihirap kong ito tanging kailangan ko lamang ay ikaw
Ikaw ang liwanag (ikaw)
Ibinigay ng tadhana (ikaw)
Ang aking diwata (ikaw)
Tanging biyaya
Di ko na kailangan dumilat pa
Nakaukit sa isip at mata
Sa pagmulat ikaw ay nawawala
Unti-unting nawawala ang liwanag
Ikaw ang nagligtas nagbigay ng wakas
Paghihirap kong ito tanging kailangan ko lamang ay ikaw
Ikaw ang liwanag (ikaw)
Ibinigay ng tadhana (ikaw)
Ang aking diwata (ikaw)
Tanging biyaya
Ikaw ang nagligtas nagbigay ng wakas
Paghihirap kong ito tanging kailangan ko lamang ay ikaw
Ikaw ang liwanag (ikaw)
Ibinigay ng tadhana (ikaw)
Ang aking diwata (ikaw)
Tanging biyaya