
Ikaw
Ikaw ang nagbigay kulay sa'king mundo
Ikaw ang tanging ligaya ng buhay ko
Ikaw ang pinili ng Poong Maykapal
Upang tayo ay magmahalan
Ikaw ay nilalang upang kita ay mahalin
Ikaw ang lahat lahat para sa akin
Ngayon isumpa mong ako'y mahal mo rin
Mahal kita magpahanggang libing
At kung lilimot ka man sa akin
Di ako magdaramdam
Kung ang palad ko'y magdusa
Basta't liligaya ka balang araw
Kung ika'y iiwanan niya
Sana'y maalala mo
Ang isang katulad kong
Minsa'y nagmahal sa'yo
Hanggang wakas
Ngayon isumpa mo ako'y mahal mo rin
Mahal kita magpahanggang libing
At kung lilimot ka man sa akin
Di ako magdaramdam
Kung ang palad ko'y magdusa
Basta't liligaya ka balang araw
Kung ika'y iiwanan niya
Sana'y maalala mo
Ang isang katulad kong
Minsa'y nagmahal sa'yo