
Ikaw Ang Dahilan
Ikaw ang dahilan minsan pang magmahal
Biglang nagbago ang buhay
Dahil sa iyo hirang
Ligaya ay taglay ng pagmamahalan
Hindi kita lilimutin
At iyong asahan
Mapalad pa rin ako at nagmahalan tayo
Kung hindi dahil sa iyo sawi ang buhay ko
Kaligayahan ko ikaw ang dahilan
Kalungkutan ko sa buhay
Ay biglang nalimutan
Ang sikat ng araw ay taglay ng buhay
At lahat ng ito hirang
Ikaw ang dahilan
Mapalad pa rin ako at nagmahalan tayo
Kung hindi dahil sa iyo sawi ang buhay ko
Kaligayahan ko ikaw ang dahilan
Kalungkutan ko sa buhay
Ay biglang nalimutan
Ang sikat ng araw ay taglay ng buhay
At lahat ng ito hirang
Ikaw ang dahilan