Sylvia La Torre

Irog Ko


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Giliw
Ano't di ka kumikibo
Naghihingalo na yaring puso
Dahil sa aking pagsuyo
Na di mo pinansin at iyong binayaang masiphayo

Kung kita'y kapiling
Ay nalilimutan
Ang mga pasakit
At dusang tinataglay
Sa lahat ng oras
Ikaw ang pangarap
Ng abang bihag mo
Na laging nasa hirap

Bakit aking giliw
Hindi mo lingapin
Ang naghihintay
Ng awa mo at pagtingin

Isinusumpa ko
Kahit na pumanaw
Ikaw ang irog ko hanggang sa hukay

Ang naghihintay ng awa mo at pagtingin
Isinusumpa ko
Kahit na pumanaw
Ikaw ang irog ko hanggang sa hukay