Carlo Magno

Isang Alay


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Panginoon narito ang alay sa iyo
Nagmula sa iyong bayang masayang nagsalo
Amin sanang mga alay gawin mong totoo
Itong alak at tinapay gawing dugo't katawan mo
Panginoon Panginoon alay sa iyo
Ng ‘yong bayang nagpupuri't nagkakaisa sa iyo

Bukas palad naming alay mga bungang ito
Ang tinapay at ang alak na sa lupa'y hango
Pati puso nami't isip laan din sayo
Nang magbago't maging ilaw gabay tulad mo
Panginoon Panginoon sapat na ito
Ang matulad sa ‘yong pusong yakap ang buong mundo

Panginoon Panginoon dinggin ang samo
Ng ‘yong bayan na tinipon sa dulang na to
Puspusin mo ng ‘yong espiritu ang bawat tao
Nang makita't madama ang pagkakaisa sa'yo
Panginoon Panginoon ang lahat ng ito
Isang alay ng ‘sang bayang nagmamahal sa'yo