Mimo Perez

Isang Amang Nagmamahal


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Bakit labis mong dinaramdam
Pagkakamali mo't kabiguan
May magagawa ka ba kun'di ang magpasyang
Bumangon at muling magsimula

Panahon ay tumatakbo
Pagbabago ay nasa kamay mo
May naghihintay sayo hindi nanghuhusga
Isang amang nagmamahal sayo

Habang buhay may pag-asa ka
Dahil kailanma'y di ka nag-iisa
Di mo man napapansin siya'y kasama mo
Isang amang nagmamahal sayo

Kung ika'y inuunawa niya
Bakit di mo magawang limutin
Ang iyong pinapasan kanyang hinihingi
Upang malaya kang makapagmahal

Habang buhay may pag-asa ka
Dahil kailanma'y di ka nag-iisa
Di mo man napapansin siya'y kasama mo
Isang amang nagmamahal sayo

Higit na dakila ang pag-ibig niya
Sa kasalanan mo
Sa kahinaan mo

Habang buhay may pag-asa ka
Dahil kailanma'y di ka nag-iisa
Di mo man napapansin siya'y kasama mo
Isang amang nagmamahal sayo

Di mo man napapansin
Siya'y kasama mo
Isang amang nagmamahal
Sayo