Sylvia La Torre

Isang Aral


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Mayrong magkapit-bahay na nagkakainisan
Dahil sa mga batang madalas na nag-aaway
Yan ngang anak mong pilyo ang may kasalanan
Hindi kumikibo ang Junior ko ay binuntal

At ang mga magulang ng mga batang paslit
Ang tunay na nag-away nawalan yata ng isip
At nang hindi maawat hinuli ng pulis
Nagkademandahan hanggang ngayon ay nililitis

Kahit saan man dako madalas kong mapansin
Kay raming basag ulo mga bata lang ang dahil
Kung tunay mang may galit dapat ay magpigil
Ang tatay at ang nanay ng bata na nanggigigil

Kaya kayong magulang huwag pumaris sa bata
Konting lamig ng ulo sa pasensya'y huwag magsawa
Ang tunay na matapang mahinahon ang diwa
Sa bata ay mag-iwan ng tumpak na halimbawa

Kaya kayong magulang huwag pumaris sa bata
Konting lamig ng ulo sa pasensya'y huwag magsawa
Ang tunay na matapang mahinahon ang diwa
Sa bata ay mag-iwan ng tumpak na halimbawa