Troy Alcala

Isang Katulad Mo


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kung iisipin ka lang
Walang mapapala sa iyo
Paikot-ikot na lang
Hindi namalayang hulog na sayo

Sa bawat ngiti
Sumasabog ang dilim sa bawat salita
Hihintayin
Matapos ang buong gabi wala man lamang nagawa

Pilitin mang makita
Di ka naniniwalang
Hanggang umabot sa libing
Damdami'y di mawawala

Di mo lang alam (di mo lang alam)
Mahirap ang ganyan
Mahirap magmahal sa isang katulad mo
Hindi mo ba alam (di mo lang alam)
Mahirap ang ganyan
Iniinda mo lang pag-ibig na alay ko

Di pagpansin
Lalo ka lang mamahalin wala ka nang magagawa
At sa oras natin
Mali man ang ibigin ka wala akong mapapala

Pilitin mang makuha
Di ka naman sasama
Hanggang abutin ng dilim
Aasa't di madadala

Di mo lang alam (di mo lang alam)
Mahirap ang ganyan
Mahirap magmahal sa isang katulad mo
Hindi mo lang alam (di mo lang alam)
Mahirap ang ganyan
Iniinda mo lang pag-ibig na alay ko

Hindi man maangkin
Ang tamis ng iyong ngiti
Titiisin pa rin
Makita lang muli
Kahit lamang sandali

Hihintayin na lang magunaw ang mundo
At kung mamahalin mo rin
Sana ako'y buhay pa nga

Di mo lang alam (di mo lang alam)
Mahirap ang ganyan (mahirap ang ganyan)
Mahirap magmahal sa isang katulad mo
Hindi mo ba alam (di mo ba alam)
Mahirap ang ganyan (mahirap ang ganyan)
Iniinda mo lang pag-ibig na alay ko

Hindi mo lang alam (di mo lang alam)
Mahirap ang ganyan
Mahirap magmahal sa isang katulad mo
Mahirap magmahal (mahirap magmahal)
Mahirap magmahal (mahirap magmahal)
Mahirap magmahal sa isang katulad mo