Sylvia La Torre

Iyong iyo


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kundangan ay ikaw sinta
Ang nagturong umibig
Ngayong minamahal kita
Ikaw ay may hapis

Sabihin mo aking mahal
Kung sino ang may nais umagaw sa iyo sinta
Ng aking pag-ibig

Kahit ako'y isang dukha puso ko'y marangal
Katumbas ng aking sumpa'y kamatayan lamang
Mamahalin kita sinta magpakailan pa man
Pag-ibig ko'y iyong iyo habang buhay

Ngunit ako'y nagtataka kung bakit ka ganyan
At ayaw mong ipagtapat ang tanging dahilan
Asahan mo't magtitiis kahit na mamatay
Kung iyan ang iyong ligaya aking hirang

Asahan mo't magtitiis kahit na mamatay
Kung iyan ang iyong ligaya aking hirang