
Iyong-Iyo
Ilang beses na akong sumabit
Tuwing ito'y sumasapit
Nauubos ang mga palusot ko
Irog ako'y nagsisisi 'wag nang mabusisi
Peksman ako ay magbabago
Batid ko ang kasalanan patawad na hirang
'Di ba't tayo'y nagsumpaan tungo natin simbahan
Tapusin na natin ang mga tampuhan
At tiyak iyong maaasahan
Ako'y iyong iyo
'Wag mo na sanang pahirapan ang damdamin ko
Sana ako'y pakinggan mo
Pagkat 'di na mauulit ang panloloko
Ako'y iyong iyo
'Wag mo na sanang pahirapan ang puso ko
Sana ako'y pakinggan mo
Pagkat 'di na mauulit ang panloloko (di na mauulit ang di na mauulit di na mauulit ang panloloko)
Ngayon ako'y napapagod
Walang mga bisyo kung 'di magpaalipin sa'yo
Tanging ikaw ang ligaya
Dulot mo'y pag-asa at sa'kin sadyang wala ng iba
Magmula na ngayon ako ay nangangako
'Di bibigyan ng pansin
O tingin ang tawag ng tukso
Tapusin na natin ang mga tampuhan
At tiyak iyong maaasahan
Ako'y iyong iyo
'Wag mo na sanang pahirapan ang damdamin ko
Sana ako'y pakinggan mo
Pagkat 'di na mauulit ang panloloko
Ako'y iyong iyo
'Wag mo na sanang pahirapan ang puso ko
Sana ako'y pakinggan mo
Pagkat 'di na mauulit ang panloloko
Magmula na ngayon ako ay nangangako
'Di bibigyan ng pansin
O tingin ang tawag ng tukso
Tapusin na natin ang mga tampuhan
At tiyak iyong maaasahan
Ako'y iyong iyo
'Wag mo na sanang pahirapan ang damdamin ko
Sana ako'y pakinggan mo
Pagkat 'di na mauulit ang panloloko
Ako'y iyong iyo
'Wag mo na sanang pahirapan ang puso ko
Sana ako'y pakinggan mo
Pagkat 'di na mauulit ang panloloko oh
Ako'y iyong iyo
'Wag mo na sanang pahirapan ang damdamin ko
Sana ako'y pakinggan mo
Pagkat 'di na mauulit ang panloloko
Ako'y iyong iyo
'Wag mo na sanang pahirapan ang puso ko
Sana ako'y pakinggan mo
Pagkat 'di na mauulit ang panloloko
'Di na mauulit ang di na mauulit di na mauulit ang panloloko
'Di na mauulit ang di na mauulit di na mauulit ang panloloko