Jaya

Kahit Na


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kahit na ikaw pa ay lumisan
Halik mo'y di ko na malilimutan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusan, ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa king buhay

Kahit na ikaw pa ay lumimot
Mundo ko'y tutuloy sa pag-ikot
Ang bituin akala mo'y naglalaho
Yun pala sa ulap lang nakatago
Katulad ng pag-ibig mong mapaglaro (mapaglaro mapaglaro)

Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak (walang matitiyak)
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping di magwawakas
Di kita pipigilan kailanman magbago ng isipan
Habang kapiling ka ligaya'y walang hanggan

Kahit na nagmamahalan ng tapat
Walang magagawa kapag wakas ay naganap
Bumuhos na ang luha pagdurusa'y nagsimula
Sa lamig ng iyong pag-iisa na init ng pag-asa

Kahit na ika'y lumimot pa
Sa puso ko ika'y isang buhay na ala-ala

Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak walang matitiyak (walang matitiyak)
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping di magwawakas (di magwawakas)
Di kita pipigilan kailanman magbago ng isipan
Habang kapiling ka (habang kapiling ka)
Habang kapiling ka (habang kapiling ka)
Habang kapiling ka
Ligaya'y walang hanggan