
Kahit Na Malayo Ka
Ang nakalipas
Di na maaring buhayin pa
Tila hangin na dumaan lang
Ngayong ika'y malaya na
Ang mga araw
Di namalayan ay nasayang na
Pagkakataong naglaho na
Sa aking mga mata
Kahit na ito'y laro lamang na pansamantala
Sa isip ko ang mahalaga ay ang pagmamahal
Sa isa't isa
Mga alaala
Di na kayang malimutan pa
Mananatiling nasa puso ko
Kahit na malayo ka
Woh
Ang nakalipas
Di na kayang buhayin pa
Panaginip ng nakaraan
Di na mauuulit pa
Kahit na ito'y laro lamang na pansamantala
Sa isip ko ang mahalaga ay ang pagmamahal
Sa isa't isa
Mga alaala
Di na kayang bawiin pa
Mananatiling nasa puso ko
Kahit na malayo ka
Woh
Kahit na malayo ka
Sa isip ko narito ka
Kahit ano pa ang sabihin nila
Sa isip ko'y narito ka