
Kaibigan
Ang kailangan ko ay pang-unawa
At tapat na pagmamahal
Sa ulan ay may masilungan
Ang pusong sugatan
Ako'y tao lang na may pagkukulang
Minsa'y nagkakamali
Umaasa at nakikiusap
Na mapansin muli
Ang kailangan ko'y isang kaibigan
Na di marunong magpanggap
Bagkus siya ay malalapitan
Karamay ko sa kagipitan
At lagi kong maaasahan sa lahat ng panahon
Ang kailangan ko'y pagtitiwala
Na di lulusaw sa ulan
Kahit na anong mangyari
Handa akong sagipin
Sa lahat ng pagsubok
Magkasama pa rin
Nasa palad mo ang puso ko
Huwag mo sanang biguin
Ang kailangan ko'y isang kaibigan
Mananatiling totoo
Sa unos ay hindi lilisan
Sandigan ko sa kahirapan
Kasama kong maninindigan
Sa lahat ng panahon
Hey hey sa lahat ng panahon
Hey hey lahat ng panahon