
Kaibigang Manggagawa
Kaibigan ko kaibigan mo
Kaibigan ng buong mundo
Halina at kilalanin nyo
Ang kaibigan ko
Ako’y isang bumbero
Sa sunog ay maaasahan niyo
Anumang oras na kailangan niyo
Ay darating ako
Kaibigan ko kaibigan mo
Kaibigan ng buong mundo
Halina at kilalanin nyo
Ang kaibigan ko
Sa may sakit handa ako na tumulong sa inyo
Kalusugan ang hangad ko
Ako’y doctor na kaibigan niyo
Mahal na guro ay ako
Sa pag-aaral kaagapay niyo
Matiyagang pagtuturo ang alay ko
Sa magandang kinabukasan niyo
Kaibigan ko kaibigan mo
Kaibigan ng buong mundo
Halina at kilalanin nyo
Ang kaibigan ko
May pulis may tindera
Karpintero’t magsasaka
Kartero’t panadero
Manggagawang kaibigan ko
Kaibigan ko kaibigan mo
Kaibigan ng buong mundo
Salamat po sa tulong niyo
Mga kaibigan ko mga kaibigan ko