Sylvia La Torre

Kalesa


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Alin nga bang sasakyan pa ang tunay na maginhawa
Kundi itong dating atin na kung tawagin ay kalesa
Subukin mang sakyan ito
Kapag hindi ka nag-enjoy kahit pabalik-balik lang sa Quiapo at sa Chinatown
Kadalasan pang mangyari ay kay buti ng kutsero
At tunay kang nawiwili kung masarap makipagkwento
Sa haba ng kuwentuhan niyo
Ay hindi ka malulungkot kahit mahina ang takbo ay hindi na kayayamot

Kung sasakay ay mag-darling
Kalesa ang pipiliin
Kung may ulan at may hangin
Ay may trapal na pantabing
Pagkat dito ay kay dilim
Hindi sila mapapansin
Ang kalesang sadyang atin
Ay bagay sa magsing-giliw

O kay inam sakyan ng kalesa kahit patungo sa Luneta
Kahit ka na nag-iisa tunay rin masisiyahan ka
At kung pagmamasdan ang kalesa may kahapong maaalala
Ang panahon ng ating naglahong Maria Clara

Kung sasakay ay mag-darling
Kalesa ang pipiliin
Kung may ulan at may hangin
Ay may trapal na pantabing
Pagkat dito ay kay dilim
Hindi sila mapapansin
Ang kalesang sadyang atin
Ay bagay sa magsing-giliw
At kung pagmamasdan ang kalesa may kahapong maaalala
Ang panahon ng ating naglahong Maria Clara