
Kalesa
Alin nga bang sasakyan pa
Ang kulay na maginhawa
Lumilindol dating atin na kung tawagin ay kalesa
Subukin mong sakyan ito
Kapag hindi ka nag-enjoy kahit pabalik-balik lang sa Quiapo at sa Chinatown
Kadalasan pang mangyari
Na paikutin ng kutsero
Patuloy kang mawiwili kung masarap makipagkuwento
Sa haba ng kuwentuhan niyo
Ay hindi ka malulungkot kahit mahina ang takbo ay hindi na kayayamot
Kung sasakay ay mag-darling
Kalesa ang pipiliin
Kung may ulan at may hangin
Ay may trapal na pantabing
'Pagkat dito ay kay dilim
Hindi sila mapapansin
Ang kalesang sadyang atin
Ay bagay sa magsing-giliw
O kay inam sakyan ng kalesa
Lalo't patungo sa Luneta
Kahit ka na nag-iisa (kahit nag-iisa tunay ring)
Tunay ring masisiyahan ka
At kung pagmamasdan ang kalesa
Ay kahapong maaalala
Ang panahon ng ating naglaong Maria Clara
Kung sasakay ay mag-darling
Kalesa ang pipiliin
Kung may ulan at may hangin
Ay may trapal na pantabing
'Pagkat dito ay kay dilim
Hindi sila mapapansin
Ang kalesang sadyang atin
Ay bagay sa magsing-giliw
O kay inam sakyan ng kalesa
Lalo't patungo sa Luneta
Kahit ka na nag-iisa (kahit nag-iisa)
Tunay ring masisiyahan ka (ay masisiyahan ka)
At kung pagmamasdan ang kalesa
May kahapong maaalala
Ang panahon ng ating naglaong Maria Clara