
Kami Ay Kupkupin
Kami ay kupkupin
Tipunin mong muli sa iyong piling
Nang muli ay madama
Ang iyong pagmamahal
Panginoon puso namin
Muli ay iyong hagkan
Kami sa iyo’y lumalapit
Tanging hangad ay ang iyong pag-ibig
Pusong sa iyo’y nagkukulang
Aming hiling ay kapatawaran
Nananabik na madama
Ang yakap mo
Puso’y sumasamo sa’yo
Sa malabay mong pakpak
Kami ay kupkupin
Tipunin mong muli sa iyong piling
Nang muli ay madama
Ang iyong pagmamahal
Panginoon puso namin
Muli ay iyong hagkan
Kami ay kupkupin
Tipunin mong muli sa iyong piling
Nang muli ay madama
Ang iyong pagmamahal
Panginoon puso namin
Muli ay iyong hagkan
Panginoon puso namin muli (puso namin)
Ay iyong hagkan (muli mong hagkan)
Panginoon puso namin muli
Ay iyong hagkan