
Kanino Ba
Laging may nagsasabi
Pag-ibig muna'y iisantabi
Dahil bata pa raw ang katulad ko
At baka magsisi lang sa huli
Ako'y laging nakikinig
Ngunit minsa'y napipilit
Dahil may kakaibang nadarama
Nguni't 'di ko lang alam kung bakit
Kanino ba ako lalapit (kanino ba)
Upang sabihin ang laman ng dibdib
Kung mayro'n mang manliligaw sa akin (kung mayro'n mang manliligaw)
Agad ko ba siyang sasagutin
O maghihintay ng tamang panahon
'Pagkat darating naman din iyon
Ang susundin ko ba ay kayo
O ang bulong ng puso ko
Ngunit huwag daw akong magmamadali
Baka ako ay magkamali
Kanino ba ako lalapit (kanino ba)
Upang sabihin ang laman ng dibdib
Kung mayro'n mang manliligaw sa akin (kung mayro'n mang manliligaw)
Agad ko ba siyang sasagutin
O maghihintay ng tamang panahon
'Pagkat darating naman din iyon
Kanino ba ako lalapit (kanino ba)
Upang sabihin ang laman ng dibdib
Kung mayro'n mang manliligaw sa akin (kung mayro'n mang manliligaw)
Agad ko ba siyang sasagutin
O maghihintay ng tamang panahon
'Pagkat darating naman din iyon
O maghihintay ng tamang panahon
'Pagkat darating naman din iyon
Darating 'yon ah
Darating 'yon oh