Carmen Camacho

Kapus-Palad Ng Isilang


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Iniibig kita
Giliw kong mahal sa buhay
Ngunit di pansin man lamang
Ang pagsuyo kong dalisay

At ang wika mo pa
Na tayo'y di magkabagay
Alangan ang aking puso
Sa 'yong pagmamahal

Kung di lang kasalanan
Sa Poong Maykapal
Nais kong wakasan ko na
Yaring buhay

Bakit kaya ako
Kapus-palad nang isilang
Itong aking kapalaran
Di kaya malulunasan

At kung ako'y sadyang
Kapus-palad nang isilang
Kapus-palad sa suyuan
Nais ko nang mamatay

At kung ako'y sadyang
Kapus-palad nang isilang
Kapus-palad sa suyuan
Nais ko nang mamatay