
Kawal Ng Bayan
Sa dagat man o himpapawid
Sa lupa man ay may panganib
Hirap at gutom ay tinitiis
Dinggin niyo itong aming awit
Buhay namin ay laan
Para sayo inang bayan
Di na namin papayagan
Na masakop kang muli ng dayuhan
Ika'y aming babantayan
At laging paglilingkuran
Kami ang kawal ng bayan
Tagpagtanggol ng mga mamamayan
Sa dagat man o himpapawid
Sa lupa man ay may panganib
Kawal kami at handang mamatay
Para sayo inang bayan
Ito ang lupang hirang
Ito ang lupang sinilangan
Sagisag ka ng kagitingan
Pilipinas aming inang bayan
Ika'y aming babantayan
At laging paglilingkuran
Kami ang kawal ng bayan
Tagpagtanggol ng mga mamamayan
Sa dagat man o himpapawid
Sa lupa man ay may panganib
Kawal kami at handang mamatay
Para sayo inang bayan
Kawal kami at handang mamatay
Para sayo inang bayan