Zelle

Kaya Kong Mabuhay


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Pagbukas ng mata ikaw na ang kasama
Ang isip ko'y puno ng pangalan mo
Pag-ibig kong inalay ko sa 'yo
Bakit mo sinayang lahat ng ito

Kaya kong mabuhay ng wala ka
Di ko na kailangan pang makita ka
Bakit ba akala mo'y hahabulin ka
Hindi kita kailangan umalis ka na
Umalis ka na

Ilang taon ay parang kanina lang
Ang hapdi at sakit na dulot ng nakaraan
Ang paglaya ko sa 'yong kamay
Ay liwanag ang dulot sa aking buhay

Kaya kong mabuhay ng wala ka
Di ko na kailangan pang makita ka
Bakit ba akala mo'y hahabulin ka
Hindi kita kailangan umalis ka na
Umalis ka na

Mag-isang nabubuhay mas maayos pa
Lahat ng gusto ko'y nagagawa ko na
Mas mabuti pang hindi kita kasama
Ngayo'y alam ko nang ikaw lang ang kawawa

Kaya kong mabuhay ng wala ka
Di ko na kailangan pang makita ka
Bakit ba akala mo'y hahabulin ka
Hindi kita kailangan umalis ka na

Kaya kong mabuhay ng wala ka
Di ko na kailangan pang magtiis pa
Bakit ba akala mo'y hahabulin ka
Hindi kita kailangan umalis ka na
Umalis ka na