Coln

Kayod


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ito ang tipo ng diskarte na hindi nagpapapigil
Pag ako'y nadarapa lalo akong nanggigigil
Tawag nila sa akin ay batang kayod kalabaw
Handang lusungin ang lalim kahit di na matanaw

Gutom na naman ako (parang ayoko na)
Laman ng sikmura ay Sugo (parang ayoko na)
Tumitirik aking mata (parang ayoko na)
Nahihilo na 'ko parang gusto kong tumumba

Kahit mainit ang araw (chongdo)
Buhos ng pawis at uhaw (chongdo)
Kalam ng aking sikmura (chongdo)
Parang ayoko na pero (chongdo)

Tumatagaktak ang aking pawis (parang ayoko na)
Umaga pa lang ang dungis ko na (pero lalaban pa)
Ngawit na ang aking binti (habang humihinga)
Gustong-gusto ko na o pwede na ba 'kong umuwi

Kahit mainit ang araw (chongdo)
Buhos ng pawis at uhaw (chongdo)
Kalam ng aking sikmura (chongdo)
Parang ayoko na pero (chongdo)

Ito ang tipo ng diskarte na hindi nagpapapigil
Pag ako'y nadarapa lalo akong nanggigigil
Tawag nila sa akin ay batang kayod kalabaw
Handang lusungin ang lalim kahit di na matanaw

Wala na bang katapusan (balot)
Kelan ba ako yayaman (taho)
Ang pag-asensong mailap (Quiapo Quiapo Quiapo)
O kelan kita kumpadre mahahagilap

Kahit mainit ang araw (chongdo)
Buhos ng pawis at uhaw (chongdo)
Kalam ng aking sikmura (chongdo)
Parang ayoko na pero (chongdo)

Yeah
Hoo

Puyat pagod hirap kayod di na makaupo
Maga na tuhod sige sugod di ako susuko
Reklamo sa sarili ay kaya 'kong tiisin
Basta may bigas sa bahay at itlog na may asin

Bawat butil ng pawis sukli sagot sa panalangin
Pasalamat sa biyaya sa 'king pagkamalikhain
Tibay ng loob ang aking medalya
Ang aking sandata ay pagmamahal sa 'king pamilya

Ang aking sandata ay pagmamahal sa 'king pamilya
Ang aking sandata ay pagmamahal sa 'king pamilya
Kayod lang