
Kinang
Ang tanging nais lang naman
Pagmamahal na kailanman
Hindi inaasam ang yaman sa mundo
O kahit pa anong tanyag na makakamit ko
Sapat na sakin ang pag-Ibig
Hatid ay buhay sa daigdig
Pangarap na makakamtan sana'y
Kinabukasan ikaw at ako
Babangon muli pagkat pag-asa'y nabubuhay
Sa pag-ibig mo
Sa kadiliman ng gabi
Magliliwanag ang bituin
Kinang ay magbabalik
Pangarap na makakamtan sana'y
Kinabukasan ikaw at ako
Babangon muli pagkat pag-asa'y nabubuhay
Sa pag-ibig mo
Sa kadiliman ng gabi
Magliliwanag ang bituin
Kinang ay magbabalik