Sylvia La Torre

Kulasisi


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ah oh

Ako si kulasisi na humuhuni sa kalalahan
Inaawit ko ang ganda ng buhay buong maghapon sa kabukiran
Sa sanga ng kahoy palipat-lipat sa kasiyahan
Nagsasayaw ako sa bawat dahon na idinuduyan ng amihan

Sa awit lalo mong napapasigla ang kahalagahan ng buhay
Sa tuwing pagsapit ng umaga
Kulasisi ako kaya walang kalungkutan
At kailanma'y di ko nararanasan ang siphayuin ng aking hirang

Ang buhay ay tigib na ng ligaya sa pares ko na kulasisi
Kundiman ay walang balisa
Ganyan ang buhay ko anong saya araw-araw
Sa kabukiran o sa kagubatan sa araw-araw ay nagdiriwang

Langit ang buhay
Dapat magdiwang

Sa awit lalo mong napapasigla ang kahalagahan ng buhay
Sa tuwing pagsapit ng umaga
Kulasisi ako kaya walang kalungkutan
At kailanma'y di ko nararanasan ang siphayuin ng aking hirang

Langit ang buhay
Dapat magdiwang

Sa sanga ng kahoy
Palipat-lipat sa kasiyahan
Nagsasayaw ako sa bawat dahon
Ah oh
Oh
Oh ah
Oh ah