
Kundiman
Nakita na kitang umiyak
Nakita na kitang tumawa
Kasabay ng iyong halakhak
Tumutulo ang iyong luha oh
Palagi kang naghahanap
Ng daan para tumukas
Sa mga problema mo
Sabi mo wala nang lunas
Di mo ba naisip na walang ganyan sa buhay
Palaging mayrong bukas ang kailangan lang ay maghintay
At kung di man ngayon
At hindi pa kahapon
Meron pang darating
Na hindi mo hiniling
Kung hindi man ngayon
Ikahon mo sa ngiti ang iyong nakaraan
At sa langit na bughaw ay iyong pakawalan
Nais ko lang sabihin at sana'y matandaan
Mabigat man ang pasan balang araw din ay gagaan
At kung di man ngayon
At hindi pa kahapon
Meron pang darating
Na hindi mo hiniling
Kung hindi man ngayon
At kahit ang ulan ay sumisilong rin
At kahit ang araw ay naghahanap din ng lilim
At kahit ang ulan ay sumisilong rin
At kahit ang araw ay naghahanap din ng lilim
At kung di man ngayon (at kahit ang ulan ay sumisilong rin)
At hindi pa kahapon (at kahit ang araw ay naghahanap din ng lilim)
Meron pang darating na hindi mo hiniling (at kahit ang ulan ay sumisilong rin)
Kung hindi man ngayon (at kahit ang araw ay naghahanap din ng lilim)