
Kundiman Ng Pag-Ibig
Pakinggan mo aking hirang
Ang kundiman niyaring puso
Bawat hibik ay pagdaing
Ng dalisay na pagsuyo
Ang sumpa ko aking mahal
Mamahalin kitang tunay
Manalig ka at asahan
Ang puso ko'y sa iyo lamang
Ang nais kong makapiling
Ay isang mahal sa akin
Sa lambing ng aking pag-giliw
Dusa'y ating papawiin
Kung ayaw mong kaawaan
Aanhin ko pa ang buhay
Sapagkat ako'y mamamatay
Ng may dusa't kalungkutan
Ang kundiman ng puso ko
Awitin mo tanging hirang