Sylvia La Torre

Kung Ako'y Iibig


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

May laging inaawit-awit ang isang tagabukid
Narito at kayo'y makinig panalangin sa pag-ibig
Pakinggan
Sandali
At ngayo'y inyong maririnig

Kung ako'y iibig
Nais ko'y marangal
Maganda't makisig
Na walang kapantay
Ngunit kung ang palad
Isang salawahan
Ako'y patawarin mo
Very sorry na lang

Ang puso ko ay sabik sa tamis ng pagsuyo
Sa tuwina'y nangangarap ang mithi ay aking matamo

Kung ako'y iibig
Pipilii'y ganyan
Di na magbabago
Magpakailan pa man
Ngunit wala pa ang dakilang mapusuan
Kaya nga't yaring pag-irog
Ay naghihintay

Ang puso ko ay sabik sa tamis ng pagsuyo
Sa tuwina'y nangangarap ang mithi ay aking matamo

Kung ako'y iibig
Pipilii'y ganyan
Di na magbabago
Magpakailan pa man ngunit wala pa ang dakilang mapusuan
Kaya nga't yaring pag-irog
Ay naghihintay