
Kung Ikaw Ay Lumayo
Kung ikaw ay lumayo
At ako'y limutin mo
Ang kislap ng mga tala
Ay di na masisilayan
Pag ika'y lumimot na
Sa pangako mo sinta
Ang huni ng mga ibon
Tuluyan nang mamamanglaw
Hindi mo ba namamalayan
Ang landas nati'y iisa lamang
Ang puso mo at ang puso ko ay sadyang pinagtagpo
Kung sakaling maglaho
Ang pagsuyo mo sinta
Alalahanin mo ito
Tibok ng puso ko'y nakalaan sayo
Pag ika'y lumimot na sa pangako mo sinta
Ang kahilingan ko na lang
Huwag mo akong paglaruan
Hindi mo ba namamalayan
Ang landas nati'y iisa lamang
Ang puso mo at ang puso ko ay sadyang pinagbuklod
Kung ikaw ay lumayo
At ako'y limutin mo
Maasahan mong ako'y maghihintay sayo sa habang panahon
Asahan mong ako'y maghihintay sayo sa habang panahon
Sa habang panahon
Ikaw ikaw lamang
Sa habang panahon
Sa habang panahon