Sylvia La Torre

Kung Nagsasayaw


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kung nagsasayaw at ika'y kasaliw
Sa pambayang sariling tugtugin
Kagandahan mo'y lalong nagniningning
Kung pagmasdan ay nakakaaliw

Ang mga galaw ay galak
Na wari'y kaway sa pagliyag
Lulukso-lukso at pakumpas-kumpas pa
At sa mga palakpak ay nangagsisiindak
Ang mga ngiti at punday
Ay aliw nitong nagmamahal
Yuyuko-yuko at palayo-layo pa
At ang pag-iikutan ay lambing ng pagsinta sa sariling tugtugin
Tayo'y magsayawan
Tayo'y magkayakap pagkat magliyag
Tayo'y mag-indakan sa
Pambayang himig na
Langit at buhay ng dakilang pagmamahal

Ang mga galaw ay galak
Na wari'y kaway sa pagliyag
Lulukso-lukso at pakumpas-kumpas pa
At sa mga palakpak ay nangagsisiindak
Ang mga ngiti at punday
Ay aliw nitong nagmamahal
Yuyuko-yuko at palayo-layo pa
At ang pag-iikutan ay lambing ng pagsinta sa sariling tugtugin
Tayo'y magsayawan
Tayo'y magkayakap pagkat magliyag
Tayo'y mag-indakan sa
Pambayang himig na
Langit at buhay ng dakilang pagmamahal