Yasmien Kurdi

Kunwari Lang Ba


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Minamasdan kita
Kaytagal na palang kitang minamahal nang ganito
Sa simula palang
Alam kong ako lang ang may pagtingin sa lihim sa iyo

Ngunit nakita ka
Sa akin ay nakatingin
Habang sa labi mo ay may ngiti

Kunwari lamang ba ako ay 'di mo napansin
At sa puso mo ay inililihim
Tunay ba na ako'y minamahal mo rin
Ako lang ba ang umaasa
O kunwari lang na 'di mo pinapansin

Sa buhay ko'y ikaw ang tinatangi ko't
Ako kaya ay ganun din ba sa'yo
Nangangarap lang ba
Di mangyayari ako ay mahalin
Kahit kailan
Ngunit minsan ika'y papalapit sa 'kin
At nakita ko sa'yong tingin

Kunwari lamang ba ako ay di mo napansin
At sa puso mo ay inililihim
Tunay ba na ako'y minamahal mo rin
Ako lang ba ang umaasa
O kunwari lang na di mo napansin

Ito kaya'y isang panaginip lang
Paggising ko ay yakap-yakap mo na ba ako
O mangangarap na naman sa'yo oh

Tunay ba na ako ay 'di mo napansin
At puso mo ay inililihim
Tunay ba na ako'y minamahal mo rin
Ako lang ba ang umaasa
O kunwari lang na 'di mo pinapansin