ASOP

Laging Kang Nariyan


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kay dilim na namang ng ulap
Paparating na ang hanging habagat
May lungkot at lumbay
Na nararamdaman
Tila nga ba walang katapusan

May kaba mang nadarama sa'king puso
Takot ay nadaraig naglalaho
Oh Ama nariyan ka
Aking makakaya
Dahil di na muling mag-iisa

Kahit pa bumuhos ang ulan
Walang bakas ng karimlan
Pag-ibig mong hindi magwawakas
Hangad ng kalooban
Tunay ngang ako'y hindi mo nilisan
Pagkat natatanaw ang sikat ng araw
Na sa tag-araw at tag-ulan
Ay lagi kang nariyan

Oh Ama sadyang kay hiwaga (kay hiwaga)
Ng alay mong araw at ulan (araw at ulan)
Aking nasaksihan
Ang iyong kariktan
Na kailanman'y di ako pinabayaan (kailanman'y di ako pinabayaan)

Kahit pa bumuhos ang ulan
Walang bakas ng karimlan (bakas ng karimlan)
Pag-ibig mong hindi magwawakas
Hangad ng kalooban
Tunay ngang ako'y hindi mo nilisan
Pagkat natatanaw ang sikat ng araw
Na sa tag-araw at tag-ulan (tag-araw at tag-ulan)
Ay lagi kang nariyan

Kahit saan kahit kailan
Ika'y masisilungan
Ama ikaw ang aking tahana

Kahit pa bumuhos ang ulan
Walang bakas ng karimlan
Pag-ibig mong hindi magwawakas
Hangad ng kalooban
Tunay ngang ako'y hindi mo nilisan
Pagkat natatanaw ang sikat ng araw
Na sa tag-araw at tag-ulan
Ay lagi kang nariyan