Orient Pearl

Laging Sa 'Yo


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Marami ang sa iyo'y nanggigipit
Dahil marami nang taong kinain ng inggit
Isa lang kaibigan ang sa 'yo'y sasabihin ko
Ang ginawa mo sa kapwa mo, siyang gagawin sa iyo

Nakabaon na sa iyong isip
Kapag ang tao ay sawi walang lumalapit
Ngunit ang mundong ito'y iyong tahanan
Ang iyong talino'y walang hangganan

Kasawia'y iyong labanan
Huwag mong turingan ang iyong kakayahan
Kasawia'y iyong labanan
Huwag mong turingan ang iyong kakayahan
At sa aking pag-alis kalungkutan ay labis

Ngunit ako'y magbabalik sa piling mo
At dumating man ang araw ng aking pagpanaw
Tiwala ko at paniniwala'y laging sa'yo

Kasawia'y iyong labanan
Huwag mong turingan ang iyong kakayahan
Kasawia'y iyong labanan
Huwag mong turingan ang iyong kakayahan

At sa aking pag-alis kalungkutan ay labis
Ngunit ako'y magbabalik sa piling mo
At dumating man ang araw ng aking pagpanaw
Tiwala ko at paniniwala'y laging sa'yo

Marami ang sa iyo'y nanggigipit
Dahil marami nang taong kinain ng inggit