Gnarrate

Laman at Dahilan


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Dito sa larangan, bakit ba binuro
Ang sarili para sa gustong ituro
Bagong kamalayan, ako'ng magsisilbing ninuno
Aangat ang mga letra na parang si Nuno
Kaya naman kahit parang nauubusan
Ng panahon, sige pa rin pagtuunan
'Pagkat ang abilidad at karunungan
Ay may kabayaran, kailangang igapang
Pagpaguran paakyat ng
Sampung libong baitang isang oras kada hakbang hanggang
Kaya nang gawin to ng papikit
Kase madilim sa dami ng sumisiksik
Minsan parang walang patutunguhan
Nangagamote sa gitna ng kangkungan
Katanungan: kailan ba matatauhan
Mga tau-tauhan sa sangkatauhan

Kaya pinagtuunan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Kaya pinagtuunan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan

Para sa bayan o para sa sarili?
Pwedeng sabay basta hindi makasarili
At wag ibase ang mga haligi
Sa mga maling konsepto ng pagkawili
Di gaya ng iba na ang kursunada
Laging naghahanap ng bubukaka
Sa kanilang harap, bakit ganyang basura
Ang pinapakalat, ano ang mapapala
Ng mga nakikinig kung sa bulong ng
Ulo sa baba na lang palaging makikinig
Wag puro kilig, kung libog lang
Minsan naman ang syang tunay na nananaig
Pwedeng sumabay sa agos pero wag patatangay
Hanggang sa iba'y sumakay sa iyong balangay
Iyong kasaysayan, lagyan ng saysay
Nang sunod na henerasyon, merong mabaybay

Kaya pinagtibay
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Kaya pinagtibay
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan


Kaya pinagtuunan at pinagtibay
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan


Writer/s: David V. Villania