Mabuhay Singers

Lambanog

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kung may inuman ng lambanog ang piyesta ay nakakalugod
Ngunit kung labis ang lambanog tuhod mo'y nanglalambot
Ang alak ay dapat inumin huwag kang papayag na daigin
Sa tiyan lamang dapat isilid at di sa iyong isip

Minsan sa kapitbahay nagkatuwaang naglasingan
Kaya kung mangag-usap ay pagkaingay-ingay
Nang una'y may nagsasayawan at nag-aawitan
Ang labis na inuman ay natapos sa away

Kung may inuman ng lambanog ang piyesta ay nakakalugod
Ngunit kung labis ang lambanog tuhod mo'y manglalambot
Ang alak ay dapat inumin huwag kang papayag na daigin
Sa tiyan lamang dapat isilid at di sa iyong isip

Napaparam sa inuman ang hirap ng ating buhay
Sa bisa raw ng lambanog kalungkuta'y nalilimot
Mayrong taong inaantok pag nabigyan ng lambanog
At may pusong nabubusog dahil uhaw sa pag-irog