
Langit Sa Lupa
Itong munting hiling sayo
Maging bahagi mo Diyos ko
Buksan ang puso kong ito
Dinggin mo ang tanging pagsamo
Ang mundo'y kay yaman na
Ngunit anak sa hirap pa
Di lamang sa ginto't pilak
Lalong tigang sa kaluluwa
Buksan mo ang mga pinto
Sa paraiso ng biyaya
Walang luha dusa at dugo
Katulad ng buhay sa lupa
Hawiin ang ulap at dalhin mo na
Ang langit sa lupa at ang buhay ay
Mapayapa't malaya
Puno ng pagsinta puno ng pag-asa
Bigyang liwanag ang dilim
Ang puso ay naghihintay
Isang kandila sa gabi
Tanging gabay ng kaluluwa
Buksan mo ang mga pinto
Sa paraiso ng biyaya
Walang luha dusa at dugo
Katulad ng buhay sa lupa
Hawiin ang ulap at dalhin mo na
Ang langit sa lupa at ang buhay ay
Mapayapa't malaya
Puno ng pagsinta langit sa lupa
At dalhin mo na
Ang langit sa lupa
At maawa ka
Dalhin mo ang langit sa lupa