Sylvia La Torre

Larawan Ng Pagsinta


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Alaala ko nang ako ay munting bata
Ang pangarap ko'y isang manika
Nang magkaroon ang puso ko'y tuwang-tuwa
Kahugis ko raw ang mukha

Mangyayari ang hangarin
Kung tunay ang tanging dalangin
Pag dakila ang pag-giliw
Ang ligaya ay walang maliw

Nang magdalaga ang sabi ng aking nanay
Ang puso't puri ay iingatan
Tulad ng manika ang puri sa suyuan
Kay pangit pag nalamatan

Mangyayari ang hangarin
Kung tunay ang tanging dalangin
Pag dakila ang pag-giliw
Ang ligaya ay walang maliw

Nang mag-asawa sa kandunga'y may manika
Pinaghehele ng buong tuwa
Kahawig ko raw ang mukha pag tumatawa
At larawan ng pagsinta

Mangyayari ang hangarin
Kung tunay ang tanging dalangin
Kung dakila ang pag-giliw
Ang ligaya ay walang maliw