Sylvia La Torre

Lawiswis Kawayan


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sabi ng binata halina o hirang
Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan

Ang dalaga naman ay ibig pang umayaw
Sasabihin pa kay inang ng malaman
Binata'y nagtampo at ang wika'y ikaw pala'y ganyan
Akala ko'y tapat at ako'y minamahal

Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata'y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad

Ang dalaga naman ay ibig pang umayaw
Sasabihin pa kay inang ng malaman
Binata'y nagtampo at ang wika'y ikaw pala'y ganyan
Akala ko'y tapat at ako'y minamahal

Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata'y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad