
Leron Leron Sinta
Leron leron sinta
Buko ng papaya
Dala-dala'y buslo
Sisidlan ng bunga
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran
Humanap ng iba
Gumising ka Neneng
Tayo'y manampalok
Dalhin mo ang buslong
Sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo'y
Lalamba-lambayog
Kumapit ka Neneng
Baka ka mahulog
Ako'y ibigin mo
Lalaking matapang
Ang baril mo'y pito
Ang sundang mo'y siyam
Ang lalakarin mo'y
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang kanyang kalaban