
Lihim
Kung maaari lang kumupit
Ng isang bituin sa langit
Gagawin ko itong kwintas
At sayo ay isasabit
Sapagkat ngayong gabi
Ikaw ang pinakamalinaw
Sa puso kong naka pikit
Ikaw lamang ang tanaw
Oh
Umaalon ang aking diwa
Sa higpit ng iyong yakap
Kaya kong mawala
Sa malawak na alapaap
Sapagkat ngayong gabi
Atin lamang ang mundo
Sabay natin pigilin
Ang pag-ikot nito
Oh
Gumuguhit ang ngiti hanggang sa kalungkutan
Tayo'y humiram ng pag-ibig sa kalawakan
Ayoko na sanang lisanin
Ayoko nang bumitaw
Ngunit hindi maaaring
Maging akin ang isang
Maging akin ang isang
Kaya aking mahal
Huwag na huwag kakalimutan
Tulad ng tubig na maalat at matabang
Ang dalampasigan
Ang ating tagpuan
At kung sakali muli man
Tayo ay pagbigyan
Doon ako mag-aabang
Doon ako mag-aabang
Doon ako mag-aabang
Kung maaari lang kumupit
Ng isang bituin sa langit
Gagawin ko itong kwintas
At sayo ay isasabit