
Likas Yaman
Itong ating bayan
Kaygandang pagmasdan
Noong araw ngang marami pang luntiang kalikasan
Malalaking puno
Ng ating kagubatan
Ngayo'y naubos na at kalbo na ang kabundukan
Mga yantok at nito
Kawayan at buho
Yan ang unang kinabubuhay ng ating mga ninuno
Mga mina ng bakal
Mga pilak at ginto
Ngayo'y kakaunti na at malapit nang maglaho
Paano na ngayon itong ating kabataan
Mga likas yama'y wala na silang maabutan
Pati lamang dagat ngayo'y kinatatakutan
Polluted na ng red tide ang karagatan
Lahat ng likas yaman
Ay bigay ng Maykapal
Para sana sa ating lahat na makikinabangan
Nag-uso ang smuggling
Puslit kaliwa't kanan
Malalaking pinoy ay nakikipagsabwatan
Paano na ngayon itong ating kabataan
Mga likas yama'y wala na silang maabutan
Pati lamang dagat ngayo'y kinatatakutan
Polluted na ng red tide ang karagatan
Naghirap ang bundok
Nangaagnas na ang lupa
Kung tag-ulan wala ng mga puno na sasangga
Mga tao at tanim
Inaanod na ng baha
Hanggang nagkasiksikan na dito sa Maynila
Paano na ngayon itong ating kabataan
Mga likas yama'y wala na silang maabutan
Pati lamang dagat ngayo'y kinatatakutan
Polluted na ng red tide ang karagatan
Kaya mga kababayan tayo'y manalangin
Sakit ng bayan Diyos lamang ang siyang magpapagaling
Mga likas yaman huwag na sanang nakawin
Ating sariling bayan huwag na sanang
Dayain