Coritha

Linawin Mo


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kung nais mo nang
Umiwas bigkasin mo na sana'y
Linawin mo na
Linawin mo na

Dahil sa ako'y puno na
Sa iyong mga dahilan
Linawin mo na
Sabihin mo na

Huwag mo na akong
Itulad sa iyong pusong tigang
Na di nahabag
Di na nahabag

Kung nadarama mo lamang
Ang aking nadarama
Linawin mo na
Sabihin mo na

Maaalaala mo rin ako minsan
Sa iyong pag-iisa
Pag wala na ang gabay
Sa dilim ng gabi

Isip ko'y lagi
Na lang naghihintay ng araw na
Di na matanaw
Di ko matanaw

Kung nadarama mo lamang
Ang aking nadarama
Itong huli kong pakiusap
Huwag nang mag-dahilan pa ng iba
Linawin mo na
Ang isip ko'y di mapalagay
Sabihin mo
Wala nang magagawa at di ako mapalagay

Maaalaala mo rin ako minsan
Sa iyong pag-iisa
Pag wala na ang gabay
Sa dilim ng gabi
Doon ka magsisisi

Magtapat ka lang
Kahit ano pa man ang iyong pasya
Di hahadlangan
Di na hahadlang

Kung nadarama mo lamang
Ang aking nadarama
Itong huli kong pakiusap
Huwag nang mag-dahilan pa ng iba
Linawin mo na
Ang isip ko'y di mapalagay
Sabihin mo
Wala nang magagawa at di ako mapalagay