Ron Henley

Litrato


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Hmm wohoo hmm
Oh wohoho oh wohowo hmm

Di mo ba napapansin na ako'y wari'y
Di mapakali sa t'wing ika'y nakatingin
Sa tagal ng ating pagsasamang dalawa
Unti-unting ang puso ko'y nahulog na

La la la la la la la panahon ay darating
La la la la la la la masasabi ko ring

Ako'y nakatingin sa huling litrato mo
Nakasilid sa ilalim ng unan ko
Napangiti na para bang loko-loko
Sana ikaw na
Nakatingin sa huling litrato mo
Alam mo ba kung sino ang nakita ko
Ang huling binigyan ng pag-ibig ko
Sana ikaw na

Uhhm di ako yung tipo na di kayang magtapat
Ngunit bakit pag sayo tila di sapat
Siguro ay mahirap lang isipin ang
Katotohanan na ako'y kaibigan lang

La la la la la la la panahon ay darating
La la la la la la la masasabi ko ring

Ako'y nakatingin sa huling litrato mo (ako'y nakatingin sa huling litrato mo)
Nakasilid sa ilalim ng unan ko (ohooh)
Nakangiti na para bang loko-loko
Sana ikaw na (ohooh)
Nakatingin sa huling litrato mo (ako'y nakatingin)
Alam mo ba kung sino ang nakita ko (ohooh)
Ang huling binigyan ng pag-ibig ko
Sana ikaw na (sana ikaw)

Marahil ito'y tila lumang tugtugin
O ngunit ito'y kay sarap awitin (ngunit ito)

La la la la la la la panahon ay darating
La la la la la la la (paupo naman sa may unahan)
Masasabi ko ring (may sasabihin lang ako)

Magandang umaga kamahalan
Ikaw ay parang paborito kong ilarawan
Di ko magawang pagsawaan pagmasdan
Ang tanging hiling huwag mo munang pagsarhan
Puso ko'y nakangiti pag ikay nandyan
Sa taas ng talon daig pa Pagsanjan
Tinatawag ko ang iyong pangalan
Di mo lang naririnig maraming nakaharang
Akoy nagaabang sa baba ng hagdan
Umaasang pagbaba mo ikaw ay mahagkan
Kung ikaw ay pagsusulit mahirap-hirap ang
Bawat katanungan mangilan-ngilan lang
Ang pumapasa sayo itaga mo sa bato
Na pipilitin kong mapunan ang patlang
Di ko man makuha ang tamang kasagutan
Kahit na hindi undas akoy magpaparamdam

Ako'y nakatingin sa huling litrato mo
Nakasilid sa ilalim ng unan ko (sa ilalim ng unan ko)
Nakangiti na para bang loko-loko
Sana ikaw na (sana ikaw na)
Nakatingin sa huling litrato mo
Alam mo ba kung sino ang nakita ko (alam mo ba alam mo ba)
Ang huling binigyan ng pag-ibig ko
Sana ikaw na (sana ikaw na)

Ako'y nakatingin sa huling litrato mo (hooh)
Nakasilid sa ilalim ng unan ko
Nakangiti na para bang loko-loko
Sana ikaw na (ikaw na)
Nakatingin sa huling litrato mo
Alam mo ba kung sino ang nakita ko (nakita ko)
Ang huling binigyan ng pag-ibig ko
Sana ikaw na (ikaw na)