Sylvia La Torre

Luha


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Luha
Wala na wala na
Akong luhang itangis
Nang aking malaman
Sawi yaring pag-ibig
Ang dating suyuan
Ngayon ay panaginip
Buhat ng makita kang
May iba nang langit

Nagtiwala ang aking puso
Sa sumpa mong walang hanggan
Sa pakiusap mo'y narahuyo
At naniwalang ako'y minamahal
Di akalaing masisiphayo
Na ang may dulot man di'y ikaw
Sayang ang aking wagas na pagsuyo
Iningat-ingatan higit pa sa aking buhay
Wala nang luha upang itangis
Sa pagsinta na naging bangkay

Ang pag-ibig
Naging bangkay