Pilipino Karaoke

Maalaala Mo Kaya [Vocal Guide]


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

'Wag mong sabihing ika'y hamak
Kahit na isang mahirap
'Pagkat ang tangi kong pag-ibig
Ganyan ang hinahanap

Aanhin ko ang kayamanan
Kung ang puso'y salawahan
Nais ko'y pag-ibig na tunay
At walang kamatayan

Maalaala mo kaya
Ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay
Sadyang 'di magmamaliw

Kung nais mong matanto
Buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
Ang doo'y nakatago

'Di ka kaya magbago
Sa iyong pagmamahal
Hinding-hindi giliw ko
Hanggang sa libingan

O kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay 'di na mapaparam

Maalaala mo kaya
Ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay
Sadyang 'di magmamaliw

Maalaala mo kaya

The most viewed

Pilipino Karaoke songs in May