
Madaling Araw
Bakit nakatingin
Ang pinakamalungkot na bituin
Naninimdim humihiling
Naghihintay ng kahit konting paglalambing
Ngayon malamig-lamig
Madaling araw wala ka sa 'king piling
Gisingin mo mga bituin
Tanglawan sa pagkahimbing
Ang kanyang natutulog na damdamin
Uguyin mo bituin
Nananabik kong giliw
Hintay lang kita hanggang sumapit ang umaga
Sa pagpusyaw ng bituing marikit
Araw ay harapin natin
At kahit pa may hamog sa isip
Pagtingala ang bituin ay nakatingin pa rin
Uguyin mo bituin
Nananabik kong giliw
Hintay lang kita hanggang sumapit ang umaga
Hintay lang kita hanggang sumapit ang umaga