Ric Manrique Jr

Magandang Bituin


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kung mayroon mang bituin
Tunay na maliwanag
Sa gabing matahimik
Maganda't marilag

Dito sa puso ko
May bituin ng pag-ibig
Ang gabi'y di kailangan
Upang siya'y mamasid

Magandang bituin
Sa bughaw kong langit
Tanglawan akong
Sa ganda mo'y nananaginip

Magandang bituin
Ang iyong pag-ibig
Ay idulot mo
Sa puso kong nananabik

Iibigin ka
Nang wagas at dalisay
Maniwala kang
Pag-ibig ay tunay

Magandang bituin
Huwag kalilimutan
Ang paghanga ko
Sa ganda mo'y walang hanggan

Maniwala kang pag-ibig ay tunay
Magandang bituin
Huwag kalilimutan
Ang paghanga ko sa ganda mo'y walang hanggan


Writer/s: TITO AREVALO