
Magandang Dalaga
O magandang dalaga pag-ibig ng aking buhay
Patawarin mo sana ang sayo'y nagmamahal
Kailan kaya o hirang
Ibibigay mo ng lubusan ang tamis ng iyong pag-ibig at pagmamahal
Huwag ka sanang maniwala
Sa bintang nila sa akin
Sapagkat ang aking puso
Ay di magtataksil
Ang sumpa kong binitiwan (hu)
Ay aking pagyayamanin (hu)
Pag ako ay lumimot
Buhay ko'y wala na rin tandaan mo giliw
O magandang dalaga pag-ibig ng aking buhay
Patawarin mo sana ang sayo'y nagmamahal
Kailan kaya o hirang
Ibibigay mo ng lubusan ang tamis ng iyong pag-ibig at pagmamahal
Kailan kaya o hirang
Ibibigay mo ng lubusan
Ang tamis ng iyong pag-ibig at pagmamahal
At pagmamahal