Aiza Seguerra

Magasin - Live [Live]


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Nakita kita sa isang magasin
Dilaw ang iyong suot at buhok mo'y green
Isang tindahan
Sa may Baclaran
Napatingin natulala sa iyong kagandahan

Naalala mo pa ba noong tayo pang dalawa
'Di ko inakalang sisikat ka
Tinawanan pa kita
Tinawag mo 'kong walang hiya
Eh medyo pangit ka pa noon
Ngunit ngayon
Hey

Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sayo oh
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagka't kulang ang dala kong perang
Pambili oh
Pambili sa mukha mong maganda

Siguro ay may kotse ka na ngayon
Rumarampa sa entablado
Damit na gawa ni Sotto
Siguro'y malapit ka na ring sumali
Sa Supermodel of the Whole Wide Universe
Kasi

Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sayo oh
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagka't kulang ang dala kong pera

Nakita kita sa isang magasin
At sobrang gulat hindi ko napansin
Bastos pala ang pamagat
Dalidaliang binuklat
At ako'y namulat sa hubad na katotohanan
Kasi

Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sayo ohh
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagka't kulang ang dala kong perang
Hey

Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sayo ohh
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagka't kulang ang dala kong pera
Pambili oh
Pambili sa mukha mong maganda

Nasaan ka na kaya
Sana ay masaya
Sana sa susunod na isyu
Ay centerfold ka na ah
Ah wohooh